DICT, binigyang-diin ang pangangailangan ng local cybersecurity force matapos ma-hack

Aminado ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na nagkaroon nga ng kakulangan matapos ma-hack ang system ng ahensya.

Ito ay kasunod ng kanilang kumpirmasyon na ang website nilang Disaster Risk Reduction Management Division (DRRMD) ay apektado ng data breach.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Paliwanag ni DICT Usec. Jeffrey Dy, na-identify naman na nila ang umano’y ‘lapses’ gamit ang kanilang disaster response portal, bago pa man mangyari ang pangha-hack.

Pero aniya, natagalan nga lang bago ma-update ang kanilang system.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Nakapasok na raw ang hackers bago pa man nila ma-address ang vulnerability.

Dahil sa insidente, binigyang-diin ni Dy na nakikita na nila ang pangangailangan na bumuo ng local cybersecurity force na tututok sa DICT.