DEPED, pinalawig ang enrollment hanggang September 30

Pinalawig ng Department of Education (DepEd) ang enrollment period para sa school year 2021-2022.

Ito ang inihayag ni Education Secretary Leonor Briones sa deliberation ng iminumungkahing P630.8 bilyong budget ng DepEd para sa taong 2022.

Read More:  US Secretary Marco Rubio meets Marcos in Manila

Ayon kay Briones, ie-extend ang enrollment hanggang katapusan ng Setyembre bilang konsiderasyon sa kasalukuyang mga hamon dulot ng pandemiya.

Lahat rin umano ng mga pampublikong paaralan ay inatasan na tumanggap ng late enrollees hanggang September 30.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Hinihikayat rin ang mga pampribadong paaralan, state colleges, at mga unibersidad, kasama na ang mga local universities na sumusunod sa opening schedule ng DepEd na tumanggap rin ng late enrollees hanggang sa nasabing petsa.