DepEd hindi kokonsintehin ang mga napapa-ulat na harassment sa mga learners

DepEd hindi kokonsintehin ang mga napapa-ulat na harassment at pang-aabuso sa mga learners

Tiyak na mananagot ang lahat ng mga guro na masasangkot sa mga pang-aabuso sa mga kabataan.

Ito ang siniguro ng Department of Education sa gitna ng mga napaulat na sexual harassment na nag-viral sa social media, pati na rin ang mga pang-aabusong berbal sa ilang mga learners.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa ginanap na ‘Ako Para sa Bata’ webinar series, siniguro ng Kagawaran ng Edukasyon na kaisa sila sa pagsisigurong isang ‘safe space’ para sa pagkatuto ang mga paaralan sa bansa.

Inilatag sa naturang conference ang mga hakbang para matugunan ang ilang mga kakulangan sa child protection system.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Layon ng programa na i-institutionalize ang mababalangkas na konkretong plano para masigurong wala nang bata ang magiging biktima pa ng pang-aabuso.

Bago ito, una nang tiniyak ng DepEd na nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa mga napaulat na violations at harassments sa mga learners.

Pagsisiguro ng tanggapan, matatanggal sa serbisyo ang mga ito sa oras na mapatunayang may paglabag sa karapatan ng mga kabataan.