DepEd, dinepensahan ang P150M confidential fund

Dinepensahan ng Department of Education (DepEd) ang iminungkahing P150M budget sa 2024.

Ipinaliwanag ng DepEd na kanilang gagamitin ang pondo para tugunan ang ilegal na mga aktibidad sa mga paaralan sa buong bansa.

Read More:  88 areas in the country placed under State of Calamity due to typhoons and Habagat

Ayon kay DepEd Undersecretary and spokesperson Michael Poa, kailangan ng pondo para makakuha ng kaukulang information sa mga nangyayaring intel activities at recruitment sa mga paaralan.

Read More:  House lead prosecutor says Lachica may no longer need to testify

Dagdag pa ni Poa, kailangang protektahan ang mga estudyante laban sa mga ilegal na aktibidad.