DepEd at DOH magpupulong para isapinal ang mga paaralan sa pilot face-to-face classes

Isasapinal na bukas ng Department of Education ang listahan ng 100 mga public schools na lalahok sa pilot face-to-face classes.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan nakatakdang magpulong ang technical team mula sa kanilang ahensiya kasama ang Department of Health (DOH) para plantsahin ang dry-run nf limited face-to-face classes.

Read More:  ICC prosecution drops one incident from Duterte case

Mula sa 638 schools na inihanda ng DepEd para sa pagbabalik ng klase sa mga paaralan pipili sila ng 100 para sa pilot testing.

Read More:  Malacañang denies Sara Duterte’s Laos travel authority; Ramon Tulfo apologizes

Aabot umano sa dalawang buwan ang isasagawan dry run sa mga mapipiling eskwelahan na nasa ‘low risk’ ng COVID-19 infections.