Department of Health, tiniyak ang kahandaan ng bansa laban sa monkeypox

Kumpiyansa ang Department of Health na sapat ang paghahanda nito, pati na rin ang capability ng kanilang surveillance team para maagapan ang pagkalat ng monkeypox virus sa bansa.

Ito nga ay makaaraang makumpirma na noong nakaraang linggo na nakapasok na ito sa Pilipinas matapos magpositibo ang isang 31-year-old na returning overseas Filipino.

Sa panayam, sinabi ni DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ‘confident’ itong mabilis nilang made-detect ang mga monkeypox cases na papasok sa bansa.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Hindi na rin umano kailangan pang magkaroon ng special referral hospital na kagaya ng sa COVID-19.

Paliwanag ni Vergeire, sapat na ang mga ospital sa bansa para i-handle ang mga monkeypox infections.

Sa ngayon aniya, ang unang detected case ay nananatili pa rin sa isolation at nagpapaglaing.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Naka-quarantine na rin sa ngayon ang sampung mga close contacts nito.

Ang isolation ng mga monkeypox-infected individuals at tatagal ng hanggang sa tatlong linggo.

Samantala, hindi pa nakumpirma ng DOH kung ang Pilipinong nag-positibo sa monkeypox ba sa Singapore ay kapareho lang din ng unang detected case sa bansa.
#