Department of Agriculture, tiniyak na sapat ang supply ng mga agri-products ngayong Holiday Season

Siniguro ng Department of Agriculture (DA), na sapat pa ang suplay ng pagkain sa darating na ‘Holiday’ season.

Sa nanalalapit na ikalawang buwan ng “Ber” months o October ay inaasahan naman ng DA na unti-unti ng tataas ang presyo ng mga produkto kagaya ng karne ng manok, baboy at itlog.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Deogracias Victor Savellano, sa ngayon ay sapat pa ang suplay ng mga nasabing produkto.

Paliwanag ng kagawaran, pagtumaas ang demand ay hindi naman nila makokontrol ang retail prices ng nasabing agri products.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *