DENR nanawagan sa publiko na gawing malinis ang pagunita ng Undas lalo na sa mga sementeryo

CAMARINES NORTE – Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na gawing malinis ang paggunita ng Undas partikular sa mga sementeryo.

Yan ay sa dahilang kadasalan ay sangkaterbang basura ang nakokolekta sa tuwing matatapos ang Undas dahil sa mga iniiwang kalat ng mga bumibisita sa kanilang mga mahal sa buhay na yumao.

Read More:  Volunteer work, persistence mark Ilog man’s road to Army commission

Ayon kay OIC Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) Nestor Franz Fortuno kung maari ay iwasan ang paggamit ng single used plastic na siyang nagaambag sa mataas na volume ng basura tuwing Undas.

Read More:  Antique vlogger dies after alleged electric shock from videoke microphone

Umapela rin si Fortuno sa mga Lokal na Pamahalaan na mahigpit na ipatupad ang Solid Waste Management Act.

Sa ganitong pagkakataon umano masusubukan ang political will ng mga lokal na opisyal lalo na dito sa Daet.