Isasara ng Department of Environment and Natural Resources ang lahat ng open dumpsites sa bansa.
Ayon sa DENR, nakompleto na nila ang pagpapasara sa 335 open dumpsites sa buong Pilipinas, kasunod ng mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act (RA) 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Sa ilalim ng RA 9003, mahigpit na ipinagbabawal ang open dumping ng mga basura, sa halip ito ay kailangang i-dispose sa isang materials recovery facility o sanitary landfill.
Dagdag ng ahensya, dahil sa closure sa lahat ng open dumpsites, may option na umano ang mga LGUs na dalhin ang kanilang solid waste sa mga existing sanitary landfills (SLF) o sa residual containment area.
Samantala, sinabi ng DENR na ang bansa ay mayroong 237 operational sanitary landfills, habang ang 11 ay under construction. // MHEL PACIA