Dengue cases, deaths, bumaba ngayong taon — DOH

Bumaba ang bilang sa kaso at fatalities sa dengue sa unang apat na buwan ng 2021, kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon, sa gitna ng patuloy na pagpapaigting ng mga health authorities sa mga hakbang laban sa kasalukuyang sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Aileen Espiritu, Program Manager ng DOH’s National Aedes-borne Viral Disease Prevention and Control Program, na 21,478 na mga kaso ng dengue ang naitala mula January hanggang April 17, o 56 percent decrease mula sa 49,135 cases na naitala mula sa kaparehong panahon noong 2020.

Read More:  Palace denies Marcos link to Franco Mabanta

Samantala, 80 deaths lang ang naitala para sa parehong period ngayong taon, na 55 percent na mababa kumpara sa 179 deaths mula noong nakaraang taon.

Read More:  Sen. Imee warned she might end up like ‘Jay Sonza’ or get arrested

Binigyang diin ni Espiritu na ang kaso ng dengue at mortalities ay labis na bumaba noong 2018, pero nagsimula namang tumaas noong August 2019 nang ideklara ang national dengue epidemic sa bansa nang tumaas ang morbidities. // MHEL PACIA-TRINIDAD