Debbie Garcia itinangging naging third party sa hiwalayang Barbie at Diego noon

Mariing itinanggi ni Debbie Garcia na third party siya sa relasyon ni Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Ginawa ni Debbie ang paglilinaw matapos masangkot kamakailan sa physical confrontation kay Barbie sa isang restobar.

Ayon sa Vivamax artist wala silang relasyon ni Diego taliwas sa lumabas na report na ito ang ikinagalit ni Barbie noong nangyari ang pananakit sa kanya ng aktres.

Read More:  Maris Racal distributes’free bigas’ to celebrate showbiz milestone

Mabuti nalang ayon kay Debbie na nakapag-pa medico legal umano siya ng gabing yun dahil marami nagsasabi na gawa-gawa lang niya ang kwento.

Read More:  Maris Racal distributes’free bigas’ to celebrate showbiz milestone

Sa lumabas na viral CCTV, makikita ang pag-aawat ng mga taong kasama nina Debbie at Barbie nang magpang-abot sila sa isang bar.

Nauna nang lumabas ang balita na nagsampa umano kaso si Debbie kay Imperial dahil sa pananakit nito sa kanya.