Dating tulak ng droga, timbog muli sa buy-bust operations

SORSOGON CITY- Inaresto ng mga awtoridad ang dating tulak ng iligal na droga matapos ang ikinasang drug buy-bust operation alas 2:40 ng hapon, Oktubre 5 sa Brgy Cogon sa lungsod ng Sorsogon.

Kinilala ang suspek na si Julius Cesar Roque Empleo, 40-anyos, binata, naninirahan sa Brgy Pangpang ng nasabing lungsod.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Positibong nakapagbenta ito ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang operatiba na nagpanggap na buyer kapalit ng P7, 000.00 buy-bust money kung saan ang P500.00 ay genuine at ang iba ay boodle money.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Tumitimbang ng 1.2 grams ang droga na narekober sa suspek at nagkakahalaga sa merkado ng P8, 160.00.

Si Empleo ay kabilang sa Regional Database on Illegal Drugs.