Dating Presidente ng SoKor, binigyan ng pardon dahil sa kanyang kalusugan

Nagbigay ng special pardon si South Korean President Yoon Suk-yeol  kay dating Pangulong Lee Myung-bak, na nahatulan ng katiwalian at iba pang mga kaso.

Si Lee, 81, na naging presidente mula 2008 hanggang 2013, ay nagsisilbi ng 17-taong sentensiya dahil sa katiwalian, paglustay at panunuhol mula noong 2018.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Nabigyan ng pardon si Lee dahil sa kniyang humihinang kalusugan matapos na sumailalim sa ilang medical treatment.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Ang pardon ay magiging epektibo ngayong araw ng Miyerkules at nakatakda na ring kanselahin ang natitirang 15 taong pagkakakulong nito.//CA