‘Dating Pangulong Rodrigo Duterte bumaba na may ‘excellent’ satisfaction rating’ – SWS

Nadiskubre ng Social Weather Stations (SWS) sa pamamagitan ng survey na kanilang ginawa na kontento ang 88% ng mga Pilipino sa perfromance ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang final days sa trabaho.

Kaugnay nito, tanging 5% lang ng mga respondents ang dissatisfied habang 7% ang undecided mula sa 1,500 participants sa survey na ginawa noong June 26 hanggang 29, 2022.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Batay sa resulta, lumalabas na +81 ang net satisfaction rating para kay Duterte o tinukoy ng SWS bilang “excellent.”

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ito ay mataas ng 16 points mula sa +65 o “very good” net satisfaction rating ng dating pangulo sa SWS April 2022 survey.

Dagdag ng SWS, na-break din nito ang kanyang record-high na +79 rating noong November 2020.