Dating NPA, patay sa pamamaril; Bagong Hukbong Bayan-Sorsogon, inako ang pamamaslang

SORSOGON CITY – Patay ang isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos pagbabarilin ng mahigit-kumulang 5 armadong lalaki, dakong alas 11:45 ng umaga kanina sa Brgy Sta Cruz, Barcelona, Sorsogon.

Nakilala ang biktima na si Norberto Bandojo Jr. alias ‘Patrick’ 50-anyos, may kinakasama, magsasaka at naninirahan sa nabatid na barangay.

Sa imbestigasyon ng Barcelona Police, nagbibilad umano ng palay sa kalsada ang biktima nang biglang lumitaw ang mga suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang biktima.

Samantala, dakong alals 3:31 ng hapon ng magpaskil sa kanilang web site ang Bagong Hukbong Bayan-Celso Menguez Command (BHB-CMC) at inako ang pamamaslang sa dati nilang kasamahan sa hukbo.

Nakasaad sa kalatas na si Bandojo, na kanilang itiniwalag noong 2005 ay aktibo na umanong miyembro ngayon ng Cafgu at Intel Operative na ng 31st IB.

Si Bandojo umano ang siyang nagturo sa mga militar upang makubkob ang isang yunit ng hukbo sa Brgy San Isidro, Bulusan, Sorsogon noong Mayo 15, 2019. Kasakasama din umano ito sa mga combat operations ng nasabing batalyon.

Una nang nilikida ng nasabing hukbo ang dati nilang kasamahan na si Raymundo Hapa Fombuena, sa Brgy San Antonio ng parehong bayan noong Marso 28 nitong taon.

PHOTOS: exclusive for Brigada News FM-Sorsogon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *