SORSOGON CITY – Aalis na sa Provincial Capitol si dating gobernador Francis ‘Chiz’ Escudero dahil nakatakda itong bumalik sa Senado matapos magsilbi ng isang termino sa lalawigan ng Sorsogon.
Pamumunuan ng mag-asawang Hamor ang lalawigan matapos mahalal ang mga ito sa nangungunang posisyon kung saan si Ester Hamor ay muling nahalal bilang City Mayor at ang asawang si Edwin ‘Boboy’ Hamor na dating alkalde ng bayan ng Casiguran ay nahalal naman bilang bagong gobernador ng lalawigan.
Sa kanilang mensahe ng pasasalamat, sinabi ni Estre Hamor na hindi nila sisirain ang tiwala na ibinigay sa kanila ng mga tao.
Magtutulungan aniya silang mag-asawa para mapabuti ang lalawigan.

Samantala, ang pinsang buo ni Senator Chiz na si Jun-Jun Escudero ay naiproklama na bilang bise-gobernador ng Sorsogon.
Panalo din bilang 1st District Representative si Dette Escudero na kapatid ni Chiz at papalit sa kanyang ina na si Congw Evie Escudero.
Ang 2nd District naman ay hahawakan ng kaalyado ng mga Escudero na si dating bise-gobernador Atty Wowo Fortes na nahalal bilang bagong Congressman.