Dating desk officer ng PNP Bayawan sa Negros Oriental, pina-cite in contempt ng Senado

Na- contempt ang dating desk officer ng PNP Bayawan sa Negros Oriental dahil sa pagsisinungaling umano sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs.

Ayon sa isang Wilfred Estiñoso, ama ng napatay na aspiring councilor na si Juwim Estiñoso , tumanggi umanong gumawa ng blotter report si  Police Staff Sgt. Renevic Rizaldo nang humingi ng tulong si Juwim matapos ang pagtatangka sa kanyang buhay noong isang taon at sinabing guni-guni lamang niya umano ito.

Read More:  VP Sara Duterte’s reported request to meet Marcos called ‘fake news’

Sinabi ni Rizaldo, na wala siyang matandaan na may tinanggihan siyang tao na gustong magpa-blotter sa Negros Oriental. Hindi rin umano niya matandaan na nagsabi siya na guni-guni lamang ang pagbagbanta sa kanyang buhay.

Read More:  Comelec may seek additional funds if BSKE is postponed

Nag mosyon si Sen. Jinggoy Estrada na i-contempt si Rizaldo na sinang-ayunan naman ni Sen. Bong Revilla.

Nasa kostodiya na ngayon ng Senate Seargeant of Arms si Rizaldo na napag-alaman na dating body guard din ni Cong. Arnolfo Teves Jr.//CA