Dating CAA personnel, sinaksak-patay habang natutulog sa kubo sa San Francisco, Quezon

Patay ang isang dating CAA personnel matapos itong saksakin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Barangay Huyon-uyon, San Francisco, Quezon nitong Sabado, Abril 1.

Kinilala ang biktima na si Dario Villaflores Gimol, 47-anyos, residente ng naturang lugar.

Read More:  More than 2,000 sacks of garbage collected during Dolomite Beach Clean-Up Activity

Ayon sa report, natutulog umano noon ang biktima sa kanyang kubo nang saksakin ito ng suspek sa kaliwang balikat na nagdulot ng pinsala sa katawan ng biktima.

Read More:  Malunggay-pandesal vendor shot dead in Maguindanao del Sur

Isinugod pa sa hospital ang biktima para malapatan ng lunas subalit idineklara rin itong dead in arrival.

Kasalukuyan ng nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa insidente.