Dar, aminadong napabayaan ang sektor ng agrikultura sa bansa

Aminado si Agriculture outgoing Secretary William Dar na mayroong iilang mga problema na nagresulta sa mababang produksyon ng agriculture sector sa bansa.

Ito pa rin ay sa gitna ng nakaambang krisis sa pagkain dahil sa patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo; pati na rin ang nagpapatuloy na giyera sa pagitang ng Ukraine at Russia.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ng kalihim na limitado lamang ang budget at ivnestments na inilaan dito.

Aniya, dahil sa mababang pondo na nakalaan ay napigilan ang growth at productivity ng agri-sector.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Dahil dito, umaasa si Dar na maaprubahan ang P270Billion na kahilingan ng DA na pondo para sa 2023.

Higit itong mataas sa aprubadong budget ngayong taon na nagkakahalaga lamang ng P85.5Billion.
#