Danyos sa imprastraktura dahil sa bagyong Dante, umabot sa P268-M- DPWH

Umabot na sa halos P269 milyon ang halaga ng sirang idinulot ng bagyong Dante sa imprastraktura. 

Ayon sa report ng Department of Public Works and Highways, tinatayang P268.52 milyon ang estimated damage sa national roads at flood-control structures.

Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na 270 equipment asstes, at 1,569 manggagawa ang naka-deploy para sa on-going clearing activities.

Sa Region 7 pa lang, pumalo na sa P106.2 milyon ang halaga ng sira mula sa P95 milyong nasirang daan at P11.2 milyon mula sa flood-control structures; habang sa Region 12, nasa P162.32 milyon ang partial damage estimate mula sa flood-control structures.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Dagdag ni Villar, patuloy ang clearing operations ng DPWH sa tatlong di madaanang national road sections sa mga probinsya ng Cebu, Eastern Samar at Agusan del Sur.