Dalawang indibidwal na wanted sa Sorsogon, arestado sa Laguna at Palawan

Dalawang lalaki na pinaghahanap ng batas ang magkasunod na naaresto ng awtoridad sa lalawigan ng Laguna at Palawan.

Unang inaresto si Bernabe Galban, 56-anyos, binata, sa Brgy De la Paz, Binan, Laguna; residente ito ng Brgy Tinampo, Irosin, Sorsogon.

Si Galban ay nahaharap sa kasong qualified theft noong taong 2016 pa.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang warrant of arrest ay inisyu ng RTC Br 55, Irosin, Sorsogon na may itinakdang piyansa na P24K.

Samantala, si Joji Carlo Gallon Guamos, 27-anyos, may asawa at residente ng Beriran, Juban ay hinainan ng kanyang warrant of arrest sa Brgy Poblacion, District 2, Brooke’s Point Palawan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC 5th Judicial Region, Br 51, Sorsogon City sa kasong paglabag sa RA 7610 o child abuse na naganap noong taong 2017 pa.

P180K ang piyansang itinakda ng korte para sa temporaryong kalayaan nito.