Dalawang estudyante na benepisyaryo ng Project T.A.N.G.L.A.W. sa bayan ng Paracale, muling binisita ng mga tauhan ng Paracale MPS para hatiran ng tulong

CAMARINES NORTE- Muling binisita ng mga tauhan ng Paracale MPS, ang dalawang estudyante sa bayan ng Paracale upang patuloy na hatiran ng tulong

Bandang alas otso ng umaga noong Mayo 20 taong kasalukuyan isinagawa ng mga tauhan ng Paracale Municipal Police Station ang pagbibigay ng tulong at pagbisita sa bahay upang masubaybayan ang dalawang estudyante na benepisyaryo ng Project T.A.N.G.L.A.W. o “Tabang sa Aki na Nangangaipo, Ginhawa asin Liwanag Ang maitatao para Wakasan ang pagtios, Giya sa Pag-asenso”.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Layunin umano ng programang ito na matulungan ang mga pamilyang walang sapat na kakayahan at ang hangad ay gumanda ang kinabukasan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Read More:  41 women, including 10 minors, rescued in Cebu human trafficking operations

Dagdag pa rito ang pambansang Pulisya umano ay gumagawa ng paraan upang makatulong at makapaghatid ng serbisyo publiko sa ating mga kababayan lalo na sa mga nangangailangan.