Arestado ang dalawang empleyado ng Porac municipal government dahil sa pagtutulak ng illegal na droga.
Kinilala ang mga ito na sina JEROM MALLARI administrative aide at naka detail sa office of the mayor, gayundin si ANGELITO LANSANG parehong administrative aide at naka detail sa rural health unit.
Naaresto ang mga ito matapos ang ikinasang buybust operation sa bgy Jalung, Porac kahapon.
Nakuha sa mga suspek ang anim na sachet ng pinaniniwalaang shabu.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.
Samantala nagpahayag naman ng pagkadismaya si Porac mayor Jing Capil sa pagkakahuli ng dalawang empleyado ng munisipyo.
Kaya naman agad nitong iniutos sa kanilang rural health unit ang random drug testing sa lahat ng empleyado ng munisipyo.
