CAMARINES NORTE – Sugatan ang kapwa driver ng motorsiklo at tricyle matapos magkabanggaan dakong 7:45 ng gabi, nitong linggo sa Purok-13, Barangay Poblacion, Sta. Elena, Camarines Norte.
Ang mga biktima ay nakilalang sina ARESTEO SANCHEZ y Floro, 70 anyos, residente ng nabanggit na lugar, drayber ng Yamaha STX Tricycle at si CRISTOPHER MARCA y Amparo, 36 anyos, residente ng Purok-2, Barangay Rizal, Sta. Elena, Camarines Norte drayber ng Motor Star Single motorcycle
Sa inisyal na imbestigasyon, ang nasabing mga behikulo ay nasa parehas na direksyon mula sa kasentrohan ng bayan ng Sta Elena patungong Barangay Rizal ng nasabing munisipyo.
Ang tricycle na minamaneho ni SANCHEZ habang iginagarahe na nya papasok sa kanilang tahanan nang aksidenteng bumangga sa side car nito ang motorsiklong minamaneho ni MARCA na nagresulta sa pagkakatamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.
Agad namang dinala sa pinakamalapit na hospital ang mga sugatang drayber.
Samantala, ang dalawang sasakyan ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Sta. Elena MPS para sa kaukulang disposisyon.

