Dalawa pang bagong kaso ng COVID- 19 naitala sa bayan ng Basud nitong Miyerkules

CAMARINES NORTE- Nakapagtala muli ng sampung bagong kaso ng COVID- 19 ang lalawigan ng Camarines Norte nitong Miyerkules.

Dalawa dito ay mula sa bayan ng Basud na ang isa ay close contact ng naunang kaso.

Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan ang bagong kaso ng Covid- 19 sa naturang bayan ay isang 66 na babae mula sa Barangay Poblacion 2.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Siya si Bicol No 13827 na walang travel history at hindi alam kung paano nakuha ang sakit.

Nagsimula itong makaranas ng sintomas noong May 31 at kasalukuyang naka- admit at nagpapagaling sa isang pribadong ospital sa lalawigan.

Ang isa pang bagong kaso ng COVID- 19  sa naturang bayan ay isang 54 anyos na babae.

Siya naman si Bicol No 13830 mula sa Barangay Mampili.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Si Bicol No 13890 ay close contact ni Bicol No 13514 ang Product Sales Representative na may travel history sa Camarines Sur.

Si Bicol No 13830 ay kasalukuyang sumasailalim sa quarantine procedure sa District II Temporary Treatment and Monitoring Facility sa Vinzons.