Dagsa ng mga mamimili sa Naga city, inaasahan na simula ngayon

NAGA CITY – Inaasahang daragsa na ang mga mamimili sa Naga simula ngayong araw kaugnay ng pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa panayam kay Melanie Mayao, matagal tagal na ring Fruit Vendor sa lungsod, ito ay sa nakaugalian na rin ng mga pinoy lalo na tuwing bagong taon, hindi nawawala ang prutas sa mga inihahanda na ang paniniwala ay magiging masagana kapag nakompleto ang mga bilog na mga prutas.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Katunayan gumanda ang kanilang kita ngayong holiday season kumpara pa rin noong nakaraang taon.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

May mga tumaas ang presyo tulad ng mangga na nasa P200.00 bawat kilo, lansones na nasa P35.00 ang ¼ o P140.00 ang bawat kilo, ilan naman sa mga ito ang walang naging paggalaw sa presyo.