Dagdag na mga pulis sa mga paaralan iniutos ng alkalde ng Naga

NAGA CITY – Nagpalabas ng instruction si City Mayor Nelson Legacion na dagdagan ang mga pulis na nakatalaga sa mga paaralan sa lungsod o sa mga lugar na maraming mga estudyante para matiyak ang seguridad ng mga ito laban sa anumang porma ng karahasan o krimen.

Sa panayam sa alkalde, sinabi nitong nagbigay na siya ng kautusan kina City Director Police Col.Nelson Pacalso ng Naga City Police Office at Deputy City Director for Operations Police LtCol. Errol Garchitorena na agad ipatupad ito sa lahat ng mga paaralan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Dapat aniya ang mga pulis na ito ay makikita mula umaga hanggang sa gabi lalo na sa uwian ng mga estudyante, mga guro at maging ng mga empleyado.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kaugnay nito, may mga magulang na humiling na sana magkaroon ng sasakyan ang city government na siyang maghahatid-sundo sa anak nila sa mga paaralan, lalo na iyong mga nasa upper barangay ng lungsod. Bukas naman sa mungkahi ang alkalde.