Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo – kasado na simula bukas

Simula bukas ay epektibo na ang bagong round ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng oil companies, magbabawas ng katiting na P0.20 sa kada litro ng gasolina.

Read More:  Remulla calls Isabela Vice Mayor’s conduct ‘inexcusable’

Ito na ang ikalawang sunod na linggong rollback sa presyo ng gasolina.

Mayroon namang dagdag na P0.75 sa kada litro ng diesel, at P0.50 din na price hike sa kada litro ng kerosene.

Read More:  Chinese vessels block PH operation near Pag-asa

Bunsod na rin ito ng paggalaw sa presyo sa pandaigdigang merkado; pati na rin ang mga developments sa output cuts ng Saudi Arabia.