DA Region 2, nagbukas na rin ng Community Pantry

Nagbukas na rin ng Community Pantry ang Department of Agriculture Regional Field Office 2 ngayong araw sa Barangay Lingu, Solana, Cagayan.

Ito ay sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) at Kadiwa ni Ani at Kita ng DA RFO2 na pinangunahan ni Regional Director Narciso Edillo.

Tinatayang nasa 100 na mga residente ng nabanggit na barangay ang nakakuha ng mga assorted na gulay, bigas, itlog at grocery items.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay RD Edillo, sinabi nito na nagmula ang mga naturang suplay sa mga donasyon ng mga kooperatiba, asosasyon at mga magsasaka na mula sa PeƱablanca at Solana sa Cagayan at Roxa sa Isabela.

Inatasan narin niya ang mga DA Provincial Offices sa kanilang mga nasasakupan na kausapin ang mga magsasaka na sobra-sobra ang produksyon ng gulay at i-donate rin nila.

Katuwang din ng DA ang paglulunsad ngayong umaga ng community pantry ang mga opisyal ng barangay ng Lingu at Southern Cagayan Seed Producers MPC.

Samantala, bubuksan naman nila ang community pantry ngayong hapon sa Brgy. San Gabriel, Tuguegarao City katuwang naman ang mga SK members ng naturang barangay.

Sinabi ni RD Edillo na layunin ng naturang aktibidad na matulungan ang mga residente na naapektuhan ng mga mahihigpit na community quarantine sa rehiyon.

PHOTO| DA RO2

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *