DA: mapapanatili ang mababang presyo ng bigas hanggang susunod na taon dahil sa harvest season

Tiwala ang Department of Agriculture (DA) na hindi tataas ang presyohan ng bigas hanggang sa unang bahagi ng 2024.

Bunsod ito ng mataas na bilang ng naaning Palay ngayong harvest season at ang inaasahang mga papasok na imported na bigas bago matapos ang huling bahagi ng taon.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel De Mesa, kompyansa sila na magiging matatag ang supply ng bigas at inaasahang papalo ito ng mahigit 271,000 metric tons kabilang na papasok na imported rice.

Samantala, pinangangambahan naman ng mga retailers na muling magbabago ang presyo ng Bigas sa oras na maramdaman na ang epekto ng El Niño sa unang bahagi ng susunod na taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *