Ipinagbabawal ngayon ng Department of Agriculture ang pag-angkat ng manok at iba pang poultry products mula sa mga bansang Japan, Hungary at California dahil sa banta ng bird flu.
Sa magkahiwalay na memorandum orders, sinabi ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban na sakop ng pansamantalang pagbabawal ang mga domestic at wild birds at ang kanilang mga produkto, kabilang ang poultry meat, day old chicks, itlog at semilya.
Sinabi ni Panganiban na ang kautusan ay batay sa mga ulat na isinumite ng Japan Ministry of Agriculture sa World Organization for Animal Health (WOAH) noong November 1, 2022 na nagkaroon ng outbreaks ng high pathogenicity avian influenza virus sa Kurashiki City, Okayama Prefecture at Atsuma Tow, Hokkaido Prefecture, Japan na nakakaapekto sa mga domestic birds.
Sabi ni Domingo, kailangan na pigilian ang pagpasok ng HPAI virus upang ma protektahan ang populasyon ng manok sa bansa.

Ipinag-utos rin ng DA ang pagsuspinde sa pagproseso at pag-iisyu ng sanitary and phytosanitary (SPS) import clearance na sakop ng temporary ban.//CA