DA Bicol , naghahanda sa posibleng epekto ng El Niño

NAGA CITY- Naghahanda na ang Department of Agriculture sa posibleng epekto ng El Niño Phenomenon.

Ayon kay DA Bicol Spokesperson Love Guarin, hindi pa kasama ang Region 5 sa maaaring maapektuhan ayon sa inisyal na pagtatala ng PAGASA pero puwede pa aniya itong mabago.

Read More:  BFP personnel arrested over alleged “slots-for-sale” scheme

Kaya naman nag-sumite na sila ng Action Plan sa central office matapos na makapag pulong ang ahensya kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources  (BFAR) at National Irrigation Administration (NIA) para sa sistama ng patubig.

Read More:  Teen allegedly killed by stepfather after separation in Cebu

Mayroon rin aniyang drought tolerant varieties na mga pananim ang DA, puwede rin aniya ang mga produktong kayang mabuhay sa matinding init.