LEGAZPI CITY – Marami ang hindi natutuwa na mga nagbabalak na makapag-apply ng slot para sa paparating na Paper and Pencil Test Civil Service Examination sa Darating na Agusto 7, 2022.
Sa ginawang press briefing kaninang umaga ng CSC Bicol, ipinaliwanag ni Regional Director Atty. Daisy Punzalan Bragais ang dahilan ng agarang pagkapuno ng slot sa nasabing examination ay marami ang nag-abang para makakuha ng slot.
Ayon pa kay Bragais, kailangan lamang dito ay mabilis ang pagtype sa internet at mabilis rin ang internet connection upang makakuha ng slot sa examination.
Umaabot rin sa mahigit kumulang 200K bawat araw ang nag-online para makapagproseso at makakuha ng slot ng examination, subalit nasa 677 lamang ang ibinigay na slot sa bawat lalawigan ng Bicol Region bawat araw.
Aabot naman sa 4, 768 ang kabuhang bilang ng slot availabe sa nasabing rehiyon.
Nilinaw rin ng ahensya na walang reservation na ibinibigay sa mga kumukuha ng slot sa examination.