COVID-19 ward ng PGH , lampas na sa ops capacity; 200 pasyente, waiting

Kinumpirma ng Philippine General Hospital (PGH) na sila ay nag-ooperate ngayon ng lampas sa kanilang capacity na inilaan para sa mga pasyente ng COVID-19.

Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, mayroon silang halos 320 COVID beds para sa COVID-19 patients kung saan, 310 ang mga pasyente ngayon sa ospital, at may 40 pasyente pa sa emergency room na naghihintay na na makapasok.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Maliban dito, may halos 200 pang infected individuals ang naghihintay ngayon ng admission sa isa sa major referral facilities ng bansa.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Dahil dito, aminado si Del Rosario na imposibleng ma-admit ang lahat na mga pasyenteng ito na nasa waitlist, lalo’t maraming mga COVID-19 patients a kasalukuyang naka-admit bilang severe hanggang critical cases na nangangailangan ng mas mahabang panahon na manatili sa pagamutan.