CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 82 percent ang COVID- 19 vaccination coverage sa lalawigan ng Camarines Norte.
Batay sa tala ng Provincial COVID- 19 vaccination operation center hanggang noong Sabado, October 22, nasa 355, 989 na ang nabakunahan sa target na 434, 382.
Umaabot naman sa 322, 827 ang fully vaccinated na o 74. 3 percent habang ang nakatanggap ng unang booster dose ay nasa 10. 4 percent pa lang.
Sa senior citizen nasa 35, 414 ang nabakunahan sa target na 46, 754 o 75. 7 percent.
Umaabot naman sa 245, 713 ng target population na 264, 393 ang nabakunahan sa edad 18- 59 anyos.
Lumagpas naman sa target ang 12- 17 na mayroong 54, 888 sa target na 60, 925 o 111. 0 percent.
Pero pagdating sa age group na 5- 11 ay mababa pa ang vaccination coverage.
Sa target na 68, 347 nasa 13. 937 pa lang o 20. 4 percent ang nabakunahan.
Sa labingdalawang bayan sa lalawigan ang San Vicente ang may pinakamataas na porsiento ng nabakunahan na lumagpas pa sa kanilang target.
Sa target na 7, 740 nasa 8, 988 ang nabakunahan o 116. 1 percent.
Ang bayan naman ng Daet ay mayroon nang 98. 5 percent vaccination coverage.
Habang ang Capalonga ay mayroong 97. 2 percent, Basud 95. 4 percent at Talisay 93. 2 percent.
Ang nalalabi pang mga bayan ay nasa 80 porsiento pababa ang vaccination coverage.
