COVID-19 response mas magiging maganda kung mag-aapoint ng DOH Secretary – Analyst

Naniniwala ang isang political analyst na mas magiging maganda ang COVID-19 response ng Pilipinas kung makapag-aapoint na si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos ng bagong DOH Secretary.

Ayon kay Prof. Froilan Calilung, isang political analyst, at faculty member ng UST bagama’t mataas ang approval rating na nakuha ng Pangulo sa kategoryang COVID-19 response mas gaganda pa ito kung magkakaroon na nang kalihim ang Health Department.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Sa kabila nito sinabi ni Calilung na positibo pa rin ang pagtingin ng mga Pilipino dahil nagpapatuloy pa naman ang paglaban sa pandemya at pagpapaigting ng booster campaign.

Dagdag pa nito na ang lumabas na resulta sa Pulse Asia Survey ay sumasalamin lamang sa nakikita ng mga Pilipinong presensya at pagtugon ng Marcos Administration partikular sa mga kalamidad na tumatama sa bansa, at sa COVID-19 pandemic.

Read More:  Escudero says he would decline VP post if Sara Duterte is removed

Sa nasabing survey ang mga kategoriyang calamity at pandemic response ang nakakuha ng pinakamataas na approval rating na nasa 78%.