COVID-19 reproduction rate, umakyat sa 1.46 – OCTA

Umakyat na sa 1.46 nitong nagdaang linggo ang coronavirus reproduction number sa bansa o ang bilang ng taong nahahawa ng isang COVID-19 case. 

Ayon sa OCTA Research Group, ito ay naitala mula August 8 hanggang 14 noong nagtala ang bansa ng average 11,000 bagong COVID-19 cases kada araw. 

Dagdag ng research group, nasa 29 percent ang growth rate sa bagong cases sa kaparehong period. 

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ang average daily attack rate naman o (ADAR) o ang bilang ng bagong daily cases per 100,000 population ay nasa 10.23, na kinukunsiderang “high.”

Habang nasa 70 percent naman ang ICU utilization rate sa bansa as of August 13, na nasa “high” category din. 

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Sinabi ng OCTA na nakakabahala ito at posibleng di gaano ka-epektibo ang intervention na ginagawa ng bansa, o kaya ay mas malakas ang Delta variant. 

Pinangangambahan aniyang patuloy na tataas ang bilang ng mga bagong kaso ng virus sa susunod na linggo.