Pitong probinsya sa bansa ang nakapagrehistro ng napakataas o higit sa 20 percent ng Covid-19 positivity rate sa nakaraang linggo ayon sa OCTA Research Group.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng mga indibidwal na nag positibo ang resulta mula sa mga nasuri para sa Covid-19.
Sa isang update na ibinahagi sa Twitter, sinabi n OCTA fellow Dr. Guido David na naobserbahan ng OCTA ang napakataas na positivity rate sa mga sumusunod na probinsya noong November 19.

-Isabela (49.4 porsyento)
-Tarlac (37.7 porsyento)
-Camarines Sur (35.2 porsyento)
-Aklan (34.9 porsyento)
-Benguet (24.7 porsyento)
-Misamis Oriental (20.9 porsyento)
-La Union (20.7 porsyento)
Samantala, sinabi ni David na ang positivity rate ng Metro Manila ay nananatiling halos pareho sa 7.6 percent noong November 19 mula sa 7.5 percent noong November 12.
Inirerekomenda ng World Health Organization na ang positivity rate ay dapat manatili sa 5 percent o mas mababa upang ipakita na ang pagkalat ng virus ay under control.#