COVID-19 positivity rate sa Albay, bahagyang bumaba – OCTA

Kumpirmado mula sa OCTA Research na mayroong labindalawang mga lugar sa bansa na bumaba ang COVID-19 positivity rate kung saan kabilang dito ang lalawigan ng Albay.

Ayon sa inilabas na report, naitala noong Nobyembre 19 ngayong taon ang 29.9% na positivity rate sa Albay, ngunit pagsapit ng Nobyembre 26 ay bumaba ito nang bahagya sa 28.5%.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa datos naman ng DOH Bicol, mula sa peryodong Nobyemre 20-26, 2022 ay naitala ang dalawampu’t apat na karagdagang kaso ng sakit sa lalawigan – mas mababa kumpara sa naiulat na mga kaso noong nakaraang peryodo na nasa tatlumpu’t isa.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Samantala, kasama ng Albay ang ilan pang mga lugar sa bansa na bumaba ang positivity rate na kinabibilangan ng Bataan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Quezon, Rizal, Tarlac at Zambales.