Covid-19 Marshall Sheriff, nakakalat na para sitahin ang health protocols violator.

Nakakalat na ang mga COVID-19 Marshall Sheriff na mangunguna para sitahin ang mga lumalabag sa health protocols sa Puerto Princesa City.

Ayon kay Ernan Libao Sheriff Program Head, simula ngayong araw May 10, 2021 makikita ang mas maraming bilang ng COVID-19 Sheriff na mag-iikot sa lungsod.

Read More:  11 arrested after alleged ecstasy drug den busted in Davao City

Sa ngayon wala pang multa na ipapataw sa mga lalabag ngunit pakiusap ng pamunuan ng programa na sundin at sumunod na sa mga ipinatutupad na minimum public health standards.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Kukunin ang mga pangalan ng mga violators upang ibigay sa mga barangay kaya wala parin ligtas kapag sisimulan na ang pagbibigay ng notice of violation sa mga hindi susunod ng tama sa health protocols.