COVID-19 cases sa Pampanga, pumalo na sa mahigit 14, 000

Pumalo na sa mahigit 14, 000 ang naitatalang confirmed COVID-19 cases sa buong lalawigan ng Pampanga.

Sa huling datos na inilabas ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit o PESU, nasa 14, 392 na ang bilang ng mga tinamaan ng nakahahawang sakit sa lalawigan matapos itong madagdagan ng 174 na bagong kaso.

Mula sa naturang bilang, 3, 412 pa ang aktibong kaso habang 10, 304 naman ang mga naka rekober na.

Meron namang 676 na nasawi dahil sa nakahahawang sakit.

Ang Angeles, City of San Fernando at Mabalacat city pa rin ang mga nangungunang lugar sa Pampanga na may pinaka maraming kaso ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *