Covid-19 active cases sa Naga City nasa 263 na dahil sa panibagong 12 mga nagkasakit kahapon ; contact tracing mahigit 1 libo na naman

NAGA CITY – Halos nasa isang libo na naman bagong mga isasailalim sa contact tracing ng Naga City na posibleng nahawaan ng COVID-19 kahapon.

Ito’y matapos na may mga bagong nagkasakit na umabot sa 12.

Sila ay may mga unemployed o nasa bahay lamang, mga empleyado kabilang na ang government employee, driver at bank employee.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Tulad ng dapat na asahan ang pinakamaraming close contact ang government employee na may code number na 12544, 54-taong gulang na babae na naninirahan sa Barangay Peñafrancia na may closed contact na umabot sa 464 mula sa bahay niya at sa kanyang opisina.

Sinusundan naman ng driver na taga Barangay Cararayan na may closed contact na umabot naman sa 255.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ang mga nagkasakit na ito ay nakaranas ng lagnat, ubo, nawalan ng panglasa at pang amoy.

Naka lockdown na rin ang kani-kanilang mga bahay.

An lungsod ng Naga ay may 263 ng active cases, may recoveries ng 1,642 na galing sa kabuuang kasong 1,960 at may 55 ng mga nasawi.