Inihayag ng Department of Health na papalitan umano ng COVAX facility ang lahat ng mga nag-expired at malapit nang mag-expire na COVID-19 vaccine doses sa bansa, kabilang na ang mga binili ng private sector at ng local government units.
Ang pahayag ni DOH- officer in charge Ma. Rosario Vergeire, ay matapos matanong kaugnay sa updates ng P5.1 billion na halaga ng vaccine doses na binili ng private sector na nag-expire.
Ayon kay Vergeire, na ang replacement ng mga nag-expire na bakuna ay i-schedule at gagawin sa oras na maubos na ang kasalukuyang vaccine supply ng bansa sa mga warehouses.
Ang COVAX ay isang global initiative para sa equitable vaccines distribution, na kapwa pinamumunuan ng Coalition for Epidemic Preparedness Innovations (CEPI), vaccine alliance Gavi at ng World Health Organization (WHO), kasama ang key delivery partner na UNICEF.
