Contact tracing sa mahigit 2-libo nakasalamuha ng 3 bank employees sa Naga City na positibo sa COVID-19 isinasagawa na

NAGA CITY – Isinasagawa na ngayon ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga ang contact tracing sa mahigit dalawang libong nakasalamuha ng tatlong bank employees na tinamaan ng COVID-19.

Sa pamamagitan ng E-salvar ID, tinutukoy na ang mga ito kabilang na ang mga depositors at mga kasamahang empleyado ng bangko,na ngayon ay pansamantalang ini-lockdown muna para hindi na kumalat pa ang virus.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ang mga bahay ng mga bank employees na ito ay naka lockdown na rin.

Kaugnay nito,nakapanayam naman ng Brigada News Fm Naga si Dinaga Punong Barangay Doris Diane Lee, sinabing may isang banko sa kanyang lugar ang inilockdown nila kahapon dahil sa mga empleyadong nagpositibo sa COVID-19.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang bangko ay nasa sentro ng lungsod ang nilagyan na ng tarpaulin nina Kapitana Lee bilang abiso na rin sa publiko na nakasara muna ito pansamantala subalit hindi naman binanggit ni Lee kung alin itong bangko at hindi rin isinapubliko ng HERTF.

Ang Naga City ngayon ay may 421 ng active cases dahil sa panibagong 22 mga kasong ito.