Construction worker patay sa Pamamaril sa Sultan Kudarat Maguindanao

DEAD on the spot ang isang 47 anyos na construction worker matapos na pagbabarilin ng dipa nakikilalang suspek pasado alas syete ng umaga kanina sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kinilala ng Sultan Kudarat MPS ang biktima na si Aljun K Singoon, 47 years old, male, married, construction worker at residente ng Brgy. Macaguiling sa nasabi ring bayan.Alas 7:10 ng umaga kanina habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo patungong trabaho ng dikitan ng riding in tandem suspect at pagsapit sa Sitio Torres Brgy .Limbo ay bigla itong pinagbabaril

.Natumba agad ang biktima mula sa kanyang sinasakyang motorsiklo at sa ginawang pag-iimbestiga ng mga otoridad kanilang narekober ang ilang basyo ng bala mula sa 45 caliber pistol

.Kinuha naman kaagad ng mga kaanak ng biktima ang kanyang bangkay at iniuwi sa kanilang lugar upang mabigyan ng disenteng libing habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *