Construction worker na nagtago ng 16 na taon dahil sa magkapatong na kaso, arestado

SORSOGON CITY – Sa kulungan ang bagsak ng 43-anyos na akusado sa magkapatong na kaso matapos magtago nito ng halos 16 na taon.

Kinilala ang akusado na si Jericho Pernicol Espiel, binata, construction worker at naninirahan sa Brgy Patag sa bayan ng Gubat, Sorsogon.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Sa pangunguna ni PMaj Jose Arnel Geronga, nahuli ng personahe ng Gubat Police si Espiel sa bahay nito dakong alas 10:25 kaninang umaga.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nahaharap ito sa magkapatong na kasong murder na walang piyansa at sa kasong frustrated murder na may inirekomendang piyansa na P200, 000.00.

Nakatakdang ibalik ito sa kanyang court of origin.