Community pantry, namataan sa ibat ibang bahagi ng lalawigan ng Albay

LEGAZPI-Kasabay ng naramdamang epekto ng bagyong bising kahapon, di nagpatinag ang mga ilang residente sa ibat ibang bahagi ng lalawigan ng Albay sa paglalagay ng community pantry, o pinagdadalhan ng mga sobrang pagkain at maaring ibigay sa mga nangangailangan.

Kahapon, bagamat nararanasan pa ang lakas ng pag-uulan at nasa evacuation pa ang ilan sa mga inilikas na residentes, namataan ang community pantry sa lungsod ng tabaco, bayan ng Sto. Domingo, lungsod ng Legazpi at iba pang lugar.

Karamihan sa mamamataan dito ang mga samut-saring mga gulay at mga pagkain na kailangan mismo sa pang-araw araw na buhay.

Samantalng hinikayat din ng mga nauna ng naglagay ng mga ganito ang ibang mga bayan para makatulong rin umano sa iba.Layunin umano nito ang “kumuha ayon sa pangangailangan, magbigay ng ayon sa kakayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *