Committee on Kontra Bigay sa bayan ng Basud magpupulong bukas bilang paghahanda sa Barangay at SK Elections

CAMARINES NORTE – Nakatakdang magpulong bukas ang binuong Municipal Committee on on Kontra Bigay sa bayan ng Basud, Camarines Norte bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ang komite ay pangungunahan ni Election Officer III Annelyn Abanes at Provincial Prosecutor Atty. Evilio Pormento.

Kasama rin sa bumubuo ng komite ang Public Schools District Supervisor ng Department of Education, Chief of Police ng Basud Municipal Police Station, Commanding Officer ng Bravo Coy 91IB, 91IB, 91 ID ng Philippine Army at ang Municipal Coordinator ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting.

Binuo ang komite alinsunod sa section 5 ng Comelec resolution No 10946 na siyang tututok sa vote buying at vote selling.

Nauna nang nagpatawag ng pagpupulong ang bayan ng Daet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *