Committee on Health magsasagawa ng mapping at assessment sa mga residente sa lungsod na may problema sa kanilang mental health

Magsasagawa ng mapping ang City Health Office at Sangguniang Panlungsod upang matukoy ang kabuuang bilang ng mga mentally ill sa lungsod ng Sorsogon.

Ayon kay City Councilor at Comittee on Health Chairman Mark Jason Jamisola sa kasalukuyan ay nasa proseso umano sila ng pagsuyod sa mga kabahayan sa lahat ng barangay sa syudad upang kanilang ma-assess kung gaano karami ang mga residente na may problema sa kanilang mental health, bilang preparasyon na rin sa mga programa at interbensyon na kanilang ilulunsad upang matulungan ang mga nasabing pasyente gayundin ang kanilang mga pamilya.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Partikular na tinukoy ng opisyal ang planong pagkakaroon ng mental health facility sa lungsod para mas maging accessible sa mga nasabing pasyente ang mga serbisyong medikal na kanilang kailangan. Bukod pa rito,  ang pagkakaroon ng mga medical health workers na may sapat na kasanayan sa paghawak ng mga pasyenteng may problema sa kanilang pag-iisip.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan