Comelec, tiniyak ang full support sa canvassing of votes ng Kongreso sa Presidential at Vice Presidential race

Tiniyak ng Comelec na bukas sila anumang tulong ang kailanganin ng Kongreso para sa isasagawang canvassing sa mga boto sa pagka-Pangulo at Pangalawang Pangulo.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na agad na ibibigay ng komisyon ang mga kakailanganing datus ng mga mambabatas sa kanilang gagawing canvassing

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Siniguro ni Garcia na nakaantabay ang kanilang tanggapan maging ang mga provincial election supervisors para sumagot sa mga posibleng katanungan o clarification ang Kongreso sa mga Certificates of Canvass.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Nakatakdang simulan ng Kongreso ang canvassing sa May 24.(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#